Nagpatira yata ang pusa namin na si Katkat dahil malaki ang tiyan niya at kapag hinawakan mo, matigas, parang may laman na kuting, o baka pagkain lang. Si Tata na pinakaloyal naming aso, lagpas isang linggo nang nawawala, at baka kung saan na siya napunta, o baka dedz na? May bago kaming alagang tuta. Napakakulit, kung saan-saan nag-iiihi at nagtatatae. Bagong ingay nanaman tuwing gabi dahil sa mga iyak at ungol.
Nakaramdam ako ng paninibago dahil una sa lahat wala na si Tata, at pumalit naman itong mga bagong tuta kasama ‘yung anak ni Tata na si Dalmace. Hindi ako sanay na wala si Tata. Hahanap-hanapin ko ‘yung baho ni Tata dahil bihira lang siyang maligo. Saan kaya siya napunta? Tapos madadagdagan pa ulit ang mga alagain dahil nga manganganak yata si Katkat.
Parang nalungkot ako noong nalaman ko na nawawala si Tata kasabay pa ng pagkastress ko sa pag-aaral. Ang hirap tanggapin kasi ‘yon naturuan na pero ‘yung mga bago, hindi ko alam kung saan sisimulan. Napamahal lang sa amin si Tata kasi kakasunog lang ng bahay namin, siya na ‘yung kasa-kasama namin. 10 years old na siya at kung i-coconvert mo naman sa dog years, 70(?).
Kailangan lang siguro ng pagtanggap kahit na sa una ay maninibago ka. Parang ‘yung matatanda noon na mayroon nang nakasanayan ay nakikisabay na ngayon sa kabataan dahil sa pagtanggap sa bagong henerasyon.
