Nagkautang nanaman ako sa Project366 ko! Ito na ulit ako, magsesemi-hiatus, pero babawi ako dito (sa project366 lang lol). Puro review at kung ano-anong anek-anek sa buhay.
Sabado. Sabado ‘yung Day 42, e! Nagpakulay ako ng buhok nito, kasi gusto ko nang tapalan ‘yung mga white hairs ko. Nagsisitubuan nanaman sila e! Akala ko noong una, highlight lang ‘yung pinangkulay ko, dye na dye pala! Syet, isang gamitan lang ang Valentine’s-inspired hair color ko hahahaha, sa exams ko pa ginamit.
Maliban sa kulay ng buhok, hindi din pala ako pinapasok kaninang umaga kasi daw sa BUNTOT. Walastik! Kinabahan ako, akala ko kasi halata pati sa lilim ‘yung buhok kong pula nang kaunti. Pero ayon, pasok pa din, ang aga ko pa!
