
Day 44
Sabi ko noon..
Sana hindi ako mahuli..
Nakatakas ako sa guardiya, dalawang beses. Isa noong pagpasok ko, isa sa lunch break. Okay na sana kung sa lilim lang ako magtatago. Nagkakataong napupunta ako sa arawan, kaya ayon.. Talo. Hahaha!!!!! Muntik na akong hindi makapasok dahil sa bagitong guard sa likod ng eskwelahan. Buti ‘yung guardiyang hindi nagpapasok sa akin kaninang umaga, ‘yun ang nagpapasok sa’kin sa tanghali! Hahhahaha. Baet baet ni Lord!
Left - Kulay sa lilim
Right - Kulay sa arawan