December 2011
143 posts
1 tag
Maaaring madaming beses ngayong 2011 na:
Kinulit kita
Ginambala kita
Ginulo kita
Pero ngayon, gusto ko sanang sabihin sa’yo na..
Balak ko pang ituloy ‘yon sa 2012.
4 tags
2 tags
Kung isa-summarize ang 2011 ko by determining the pinakamemorable moments every month.. Ang ikli lang pala. LOL
January - Nagnew year, umiyak, sawi sa pag-ibig dahil kay dating iniibig.
February - Pumunta ako sa kanila at doon e muntik nanaman akong umiyak, tapos naikwento ko sa friends ko ‘yung nangyari. Dahil doon, naging close pa kami ng mga kaklase ko. First Tumblr Meetup.
...
1 tag
3 tags
Paalam, 2011
Salamat nang marami sa lahat, dahil masyadong marami kung iisa-isahin at nakalimutan ko na din kung gaano ako sumaya sa taong ito.
Paalam at Happy New Year!
2 tags
4 tags
Lahat ng tao ay mangmang, sapagkat hindi na tayo papasok sa eskwelahan kung lahat ng bagay ay atin nang nalalaman.
4 tags
Minsan, nababadtrip din ako sa erpat ko kasi napaparanoid sa akin. Overprotective pero ewan ko kung saan makakarating ‘yung sinasabi niya. Kesho daw me ulcer ako o ano, ‘wag daw akong iinom ng alak/kape/sopdrinks at ‘wag daw akong magpupuyat dahil ganyan ganito. Kapag daw inatake ako ng ulcer e hindi niya ako tutulungan kasi nagsabi na siya at hindi ko naman sinunod. Bahala na....
4 tags
1 tag
Pumangit ka yata?
Maganda ka kasi dati e!
4 tags
1 tag
2 tags
5 tags
1 tag
8 tags
Nilista ko ang lahat ng kinanta namin sa Videoke kasi trip ko lang. Ida-download ko para may mapakinggan ako. Baka trip niyo din?
Playlist:
Sway - Bic Runga
Thank You - Dido
Thank You for Loving Me - Bon Jovi
Sometimes Love Just Ain’t Enough - Patty Smith
Mr. Lonely - Akon
This I Promise You - N’Sync
Please Forgive Me - Bryan Adams
I Finally Found Someone - Bryan Adams and...
3 tags
4 tags
2 tags
May mga taong hindi pumapayag na mawala ka, pero...
2 tags
Sabi nila, lahat daw tayo ay may papel sa buhay..
Pero bakit tuwing exam, wala ako?!
4 tags
Paano ko ba nakuha ang bagong luma kong selpon?
Porchir hayskul ako noon, bumili ang ermat ko ng mahiwagang selpon. Gano’n ang ermat ko, kapag bago-bago, bibili agad ‘yan, tapos ipagmamayabang niya.. sa akin lang. Pero hindi talaga mayabang ‘yon, pero parang, pero hindi. Ang labo. Pero ganito ‘yon, bumili siya, pero ako wala pa din, naghahangad ako ng selpon n’on, ang ganda kasi ng kanya, bago-bago pa, 5800...
1 tag
1 tag
Hi po sa mga bagong followers.
Hi po. Ako po si Yugel Rudolf Alba. 17 years old. Technological University of the Philippines Manila. Second Year College. Electronics Engineering.Ito po yung 2x2 picture ko.
Salamat pong muli!
1 tag
1 tag
1 tag
1 tag
Naaalala ko noong Pershir hayskul ako, naglalakad lang ako papasok ng paaralan kasama ang pinsan ko kapag sobrang aga namin. Tipong mga alas-tres palang ng umaga e gising na kami at paligo na upang makapaghanda sa pagpasok sa eskwelahan bago mag alas-sais. Maliban sa nagtitipid kami, eksersays na din sa katawan namin ‘to. 40 pesos lang ang baon ko noon at para sa pamasahe lang ‘yun,...
4 tags
2 tags
Ngayon e kakagising ko lang at balisang-balisa ako sa kung ano ang nasa isip ko. Kakaiba kasi ‘yung panaginip ko at hindi ko siya makalimutan. Bakit ba ako nagtitiklop ng damit doon sa panaginip ko, at ang tinitiklop kong damit e hindi sa akin kung hindi sa isang taong espesyal sa akin. Ang sabi naman sa internet, free na daw o ano. Puta hindi ko maintindihan! O baka bagong gising lang ako?
...
2 tags
1 tag
RF
Alam niyo ba na ang tanging Jeje sa akin noon e ‘yung ‘eow’ lang?
Kasi nagkaroon lang ako ng cellphone noong 4th year kaya hindi na ako natuto ng jejenistic messages.
7 tags
Tang ina, ano ba?! Hindi hiniwalay ang punctuation...
3 tags
Eksena sa isang computer shop..
May dala kasi akong mga bulaklak n'on
Bantay (babae): Ay, I like this one! *sabay sundot-sundot doon sa bulaklak*
Ako: Ay di po 'yan para sa'yo hahaha. *and I don't like your face!*
Good News: May dimple ka.
Bad News: Sa leeg.
2 tags
Wala Pang Five Minutes
Madami talagang pauso ang mga tao simula noon pa. Ultimo itong pagkain na nalaglag sa lupa, may dapat kang sundin bago mo mailagay sa bunganga mo. Kaya siguro ang lakas ng resistensya ko e.
Minsan kahit nalaglag na ‘yung pagkain, kinakain ko pa, pero may exceptions:
Kapag moist ‘yung pagkain. Dapat mga dry foods lang (prito, chips).
Kung nalaglag malapit sa tae.
Kung nalaglag sa...
1 tag
3 tags
Erpat: Punta tayo mamaya sa ninang mo?
Ako: *naiisip ang 500 na pambayad utang* SIGE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
2 tags
Advanced Merry Christmas po sa lahat!
6 tags
Technically, nakabawi na ako ng tulog.
Kahapon, apat na oras lang ang tulog ko so ngayon ay natulog ako ng labing-dalawang oras.
Dahil ang normal na tulog ko (at ng ibang tao, pero ‘yung iba kasi hindi natutulog e) ay 8 hours..
Sa dalawang araw ay kailangan kong makabuo ng 16 hours ng tulog.
Dahil 4 nga kahapon at 12 ngayon
4+12 = 16
Yey!
2 tags
Isang taon, sakto, isa, naaalala ko..
Mag-isa lang ako noon sa bahay. Solo kong ipinagdiriwang ang araw ng kapanganakan ni Jesus. Kasabay n’on e sawi ako sa pag-ibig dahil sa ipinagpalit ako sa iba.
Parehas na parehas, Christmas Break din..
Halos buong linggo ang kinakain ko lang ay prinito.. Nakakaumay. Parang ngayon lang din at buti nalang, naghanda kami ngayon at sa wakas ay makakakain...
Mapamahiin ako minsan kaya ito ako ngayon, hindi na natuloy ang paggupit ng kuko. Malas daw ‘yon kapag nagugupit sa gabi. Bakit kaya?
2 tags
Dati, kasama sa references ko sa isang bagay e ‘yung koneksyon nito sa letrang “R.”
Kasi, galit ako noon sa pangalan ko. Parang ang pangit kasi, tapos konti lang ang merong pangalan na Yugel kaya iniisip ko pangit siya (hindi pinipili). Tsaka isa pa, kapag nagpapakilala ako, ang pagkakarinig nila lagi “Roger.” Mga tangina nila. E dahil sa mukhang cool ang letrang R,...
2 tags
Merry Christmas!
3 tags
Merry Christmas!
Napakarami ang gusto kong sabihin ngayon pero hindi ko alam kung alin ang uunahin. Kaya ito nalang.
Damhin ang presensya ng bawat isa ngayong Pasko dahil hindi sapat ang simpleng mga salita upang maranasan ang Nirvana. Weh.
1 tag
3 tags
Tropa: Hoy, busy ka ba mamaya?
Ako: Oo, Pasko e, bakit?
Tropa: Sabi na nga ba e! Kasama mo kasi si Santa mamaya!
Ako: Tang ina mo!
2 tags